Ibinida ng pamahalaan ang malawak na suporta para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) at start-up companies sa bansa.
Ayon kay Department of Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr., kasalukuyang tumutulong ang 91 technology business incubation hubs para sa pagpapaunlad ng mga negosyo.
Aniya, ang naturang mga hub ay pinopondohan ng dost sa loob ng dalawang taon bilang suporta sa mga state universities and colleges at private higher education institutions sa pagsulong ng mga innovation.
Dagdag pa ni Solidum, na may mga start-up grants ang ahensya upang suportahan ang mga teknolohiyang ginagamit ng mga start-up company kung saan, isa aniya sa mga tampok na proyekto ngayong taon ay ang paggamit ng artificial intelligence (AI) sa mga sari-sari stores.
Makatutulong aniya ang isang start-up na gumagamit ng AI upang mas mapaganda pa ang operasyon ng mga sari-sari store.