Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na beripikahin ang mga impormasyong nakukuha sa iba’t-ibang social media platform hinggil sa mga gamot kontra COVID-19.
Ito’y matapos may mga kumakalat na maling impormasyon ukol sa paggamit ng aspirin bilang gamot umano sa COVID-19.
Nilinaw ng DOH na virus ang COVID-19 at hindi bacteria kaya hindi tamang irekomenda ang aspirin kung wala itong abiso ng doktor dahil magbibigay lamang ito ng panganib sa tao.
Bukod dito, giit ng DOH na maaaring magdulot ng pagdurugo sa katawan at pagkamatay kung gagamitin ang aspirin pangontra sa virus.
Samnatala, nagpaalala ang DOH na hindi dapat naniniwala ang mga Pilipino sa kung ano lamang nakikita sa internet, mabuting kumonsulta sa doktor upang hindi mapahamak. — sa panulat ni Rashid Locsin.