Pinapayagan na muli ng Food and Drug Administration o FDA ang muling paggamit ng COVID-19 vaccine ng Astrazeneca sa edad 18 hanggay 59 anyos.
Ito’y matapos na pansamantalang ipatigil ang paggamit ng naturang bakuna dahil sa mga napaulat sa ibang bansa na di pangkaraniwang epekto nito na blood clot o pamumuo ng dugo.
Ngunit bago ito muling maiturok kailangan munang maglabas ng guidelines hinggil dito ang Department Of Health o DOH.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kanila munang isinasapinal ang guidelines bago masimulan muli ang pagtuturok ng Astrazeneca.
Batay kasi aniya sa rekomendasyon ng FDA, mahalagang magkaroon pa rin ng dagdag na pag-iingat sa paggamit ng nasabing bakuna.
Halimbawa umano ay kung mayroong ginagamit na gamot ang isang tao o iyong mga gaya ng “blood thinners”…ang mga tulad nito aniya ang makikita sa binubuong guidelines na magsisilbing extra precautions sa paggamit ng bakuna ng Astrazeneca.