Nasa kamay ng pamahalaan ang pagpapasya sa pagpapakilala at paggamit ng isang bagong bakuna sa isang bansa.
Ito ang iginiit ng World Health Organization (WHO) sa kanilang pagdalo sa ikalawang araw ng pagdinig ng senado hinggil sa dengvaxia vaccine.
The decision about whether to introduce a new vaccine is a decision for government not for WHO probably shows roles to provide the best possible advice based on the available evidence at that time to guide countries in making this decision.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Gundo Weller, sa kanilang ipinalabas na position paper noong Hulyo 29, 2016, hindi nila inirerekomenda mismo ang dengvaxia.
They were followed by the WHO position paper, end of July, the advisory or recommendations did not… and the position papers did not include a recommendation to introduce the vaccine.
Sa halip aniya, naglahad ang WHO ng mga bagong rekomendasyon na maaaring ikunsidera sa pagpapasya kung gagamitin o hindi ang dengvaxia sa mga bansa lamang kung saan mataas ang bilang ng mga apektado ng dengue.
But provided a new set of recommendations that countries should consider when they are making their own decision about whether or not to introduce the vaccine.
Batay din sa position paper ng WHO, nakasaad na bagama’t kanilang epektibo ang dengvaxia vaccine, kanilang nakita ang mataas na posibilidad na makaranas ng severe dengue ang mga binakunahang walang history ng nasabing sakit.
Iginiit din ni Weller na bago pa man nila mailabas ang position paper ng WHO hinggil sa dengvaxia ay nailunsad na sa Pilipinas ang dengue vaccination program ng Department of Health o DOH.
Sinabi din ni Weller na bumubo na ang WHO ng dalawang komite na muling magsasagawa ng pag – aaral sa dengvaxia vaccine.
When this position paper was published, we know the program was actually ongoing because it was launched prior the publication of those recommendations.