Iminungkahi ng World Health Organization (WHO) na ipangbakuna sa mga edad 65 pataas ang Astrazeneca COVID-19 vaccine.
Ayon naman sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) panel, kailangang 2 dose ng bakuna ang maiturok sa mga mababakunahan na may 8 hanggang 12 linggong pagitan.
Giit ng SAGE, kahit maraming katanungan kaugnay sa efficacy ng Astrazeneca laban sa South African variant , wala anilang dahilan upang hindi itong irekomendang ipangbakuna.
Magugunitang pinatigil muna ang rollout ng Astrazeneca sa South Africa matapos lumabas ang impormasyong hindi nito nalalabanan ang South African variant na laganap ngayon sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco