Personal na nagtungo si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar sa kataas taasang hukuman para kumonsulta kaugnay sa legalidad ng paggamit ng body cameras sa mga police operation.
Sa facebook post, inihayag ni Eleazar na nakipag ugnayan siya kay Chief Justice Alexander Gesmundo, Justice Marvic Leonen, Justice Rodil Zalameda, Justice Samuel Gaerlan, Justice Jhosep Lopez, Court Adminstrator Midas Marquez at SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosak.
Ayon kay Eleazar hiningi niya ang gabay ng mga ito para magkaroon ng mas malinaw na alituntunin sa pagsusuot ng body camera ng mga pulis.
Sinabi naman ni Gesmundo, na ang paglalagay ng mga pamantayan sa pagsusuot ng body camera ay pagpapakita ng pagiging balanse sa pagbibigay proteksyon sa karapatan ng bawat indibidwal na inaaresto at masigurong hindi rin mapapasama ang pulis na nagsagawa ng operasyon.
Kaugnay nito, magkakaroon ng arrangement kasama ang Philippine Judicial Academy, ang judicial education arm ng korte suprema na siyang mapo-provide ng pagsasanay sa lahat ng kabilang sa implementasyon ng bagong alituntunin.
Una rito, sinabi ni Gesmundo na posibleng maaprubahan ngayong Hulyo ang pagsusuot ng body camera sa mga searh at arrest warrants.