Lusot na ang resolusyon sa Quezon City na nag-aatas sa mga pampublikong paaralan sa elementary at high school na ipagbawal ang paggamit ng celfon habang nagka-klase.
Layon ng nasabing resolusyon na ini-akda ni Councilor Julienne Alysin Rae Medalla na maipaalala sa school administration at maging sa mga magulang na madisiplina ang mga estudyante sa responsableng paggamit ng kanilang mobile phones.
Binigyang diin ni Medalla na masyadong nakakaabala sa pag aaral ng mga estudyante ang paggamit ng celfon habang nagka klase.
Magugunitang 2003 nang ipasa ng Department of Education o DepEd ang isang resolusyon na nag uutos sa mga pinuno ng lahat ng public elementary at high schools na ipagbawal ang paggamit ng celfon ng mga mag aaral sa gitna ng klase.
By Judith Larino