Marami sa atin ang nahuhumaling sa iba’t ibang gadgets lalo na ngayong may pandemya, pero alam niyo ba na may masama itong epekto sa ating kalusugan?
Posible kasing magkaroon ng Computer Vision Syndrome ang mga indibidwal na labis na gumagamit ng mga gadgets na nagdudulot ng pangangati at panlalabo ng mata.
Ang liwanag ng cellphone sa gabi ay nakakaapekto rin sa sleep hormones ng isang tao kung saan, pinapababa nito ang melatonin levels sa ating mga utak dahilan kaya ang ilan ay hindi agad nakakaranas ng pagka-antok.
Bukod pa diyan, ang sobrang paggamit rin ng gadgets ay nagiging sanhi rin ng katamaran na nakakaapekto upang mabawasan ang ating physical activity.
Payo ng ilang mga eksperto, mas mainam kung ituon nalang ang oras sa pag-ehersisyo at pagkain ng masusustansiyang pagkain upang maging malusog at ligtas sa ibat-ibang uri ng sakit gaya ng COVID-19.