Limitado na ang ginagawang paggamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mobile phone dahil sa pangambang sinu-surveillance siya.
Ayon sa Pangulo, posibleng nakikinig sa kanyang mga tawag ang kanyang mga kalaban sa pulitika o kaya naman ay ang Amerika, China o Russia.
Katwiran ito ng Pangulo bilang patunay na hindi niya tinatawagan si PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa para makialam sa mga aktibidad ng mga pulis kasunod ng kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Sinabi pa ng Pangulo na ni hindi niya alam ang cellphone number ni General Bato.
By Rianne Briones