Mahigpit na ipagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang paggamit ng cellphone ng mga botante sa loob ng polling places sa mismong araw ng halalan.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, alinsunod ito sa kanilang en banc resolution.
Bukod sa mga botante, sinabi ni Guanzon na bawal ding kumuha ng larawan ang mga naglilingkod sa eleksyon gaya ng mga watcher at board of election inspector o BEI.
Ang sinumang lalabag dito ay posibleng maharap sa kaso.
BEIs
Plano din ng Commission on Elections na gawing apat ang mga miyembro ng board of election inspector mula sa kasalukuyang tatlo.
Ipinaliwanag ni COMELEC Spokesman James Jimenez na napakarami ng trabaho ng 3 miyembro ng BEI sa panahon ng eleksyon.
Ayon kay Jimenez, ang pang-apat na BEI ang siyang magbabantay sa box, maggugupit ng resibo at maglalagay ng indelible ink sa botante.
Hindi naman masabi ng opisyal kung magkano ang gugugulin para sa pagkuha ng panibagong miyembro ng BEI.
By Meann Tanbio | Allan Francisco