Isinusulong ng Commission on Population (POPCOM) na maibalik ang isang probisyon ng Reproductive Health Law (RH law).
Ito ay may kaugnayan sa pagbibigay ng access at payagang gumamit ng contraceptives ang piling menor de edad nang hindi na kinakailangan pa ng parental consent.
Ayon kay POPCOM executive director Undersecretary Juan Perez III, malaki ang naging epekto sa pagtaas ng teenage pregnancy nang tanggalin ang nabanggit na probisyon sa RH law.
Kaugnay nito, hinimok ni Perez ang Kongreso na magpasa ng isang batas na nagsasaad ng komrehensibong plano para matugunan ang patuloy na pagtaas ng teenage pregnancy rate sa bansa.
Magugunitang noong 2014, inalis ng Korte Suprema ang probisyon na nagbibigay ng direktang access sa family planning services ng mga menor de edad na meron nang anak.
Ito ay matapos namang ideklara ng Korte Suprema bilang constitutional ang RH law.