Sinang-ayunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang hakbang ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng dengue vaccine.
Layon nitong mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay gayundin ang pagdami ng mga nagkakasakit sa bansa.
Ayon kay Fr. Dan Cansino, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare, maganda aniya itong buena mano sa taong ito para mapaganda ang kalidad gayundin ang larangan ng medisina sa bansa.
Malaki aniya ang magiging pakinabang nito para makatulong sa mga mahihirap na Pinoy na maka-iwas sa pagkakaroon ng naturang karamdaman.
Batay sa datos ng DOH noong 2015, umaabot sa mahigit 169,000 Pinoy ang nagkaroon ng sakit na dengue.
Limandaan at labing isa (511) rito ang nasawi na mas mataas ng 60 porsyento kumpara noong taong 2014.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)