Inaprubahan na ng US-Food and Drugs Administration (US-FDA) ang paggamit ng dengavaxia vaccine o bakuna kontra dengue sa kanilang bansa.
Gayunman, naglatag ang US-FDA ng ilang kondisyon sa paggamit ng nabanggit na bakuna.
Anila, maaari lamang magamit ang bakuna para sa mga kabataang may edad siyam hanggang labing anim na taong gulang na dati nang nagkasakit ng dengue o naninirahan sa mga dengue endemic areas.
Batay sa datos ng US FDA, kabilang ang American Samoa, Guam, Puerto Rico at US Virgin Islands sa mga teritoryo sa Estados Unidos na endemic ang dengue.
Magugunitang, naging kontrobersiyal ang dengvaxia sa Pilipinas matapos na iturok sa mahigit 800,000 mga bata ang nasabing bakuna kung saan karamihan sa mga ito ay hindi pa nagkakasakit ng dengue.