Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) of the Philippines ang publiko kaugnay sa paggamit ng mga hand sanitizer at alcohol na hindi rehistrado at posibleng nagtataglay ng mapanganib na sangkap.
Ayon kay FDA director general Eric Domingo, mainam na karamihan sa ngayon sa mga tao ay may dalang alcohol o sanitizer bilang alternatibo sa paghuhugas ng kamay, ngunit mahalaga rin aniyang matiyak natin na ligtas ang content nito.
Ani domingo, dapat ay may taglay na 50% ethyl alcohol o isopropyl alcohol ang isang rubbing alcohol habang ang hand sanitizing gel naman ay dapat mayroong 60% ng mga nabanggit.