Isinusulong ni Education Undersecretary Epimaco Densing, III ang paggamit ng English at Filipino bilang Medium of Instructions sa mga paaralan.
Sinabi ni Densing na ginagamit ang regular English at Filipino bilang Medium of Instructions at Exception to the Rule ang mother tongue na inoobligang gamitin mula Kindergarten hanggang grade 3 sa ilalim ng K-12 Law.
Gayunman, inamin ni Densing na nangangailangan ng batas ang panukala niyang adjustment na ilang beses na rin niyang natalakay kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte.
Samantala, ipinabatid ni Densing na natapos na ng DepEd ang pagrepaso nito sa mga programa para sa Kindergarten hanggang Grade 10 kung saan may mga isinusulong silang probisyon na ilalatag nila sa mga susunod na araw.