Ipinagbabawal na ng Komisyon ng Wikang Filipino at Department of Education (DepEd) ang paggamit ng “F” sa salitang Filipinas at Filipino.
Ito ang naging desisyon ng Kagawaran ng Edukasyon at Komisyon matapos ang mahabang talakayan sa mga manunulat, historyador, guro at publiko.
Bilang pagtukoy sa ating bansa sa halip na Filipinas ay gagamitin na ang salitang Pilipinas.
Maliban dito, hindi na rin maaaring gamitin ang letrang “F” sa salitang Filipino kundi Pilipino na ang gagamitin bilang pagtukoy naman sa mamamayan.
Ang naturang pasya ay bunsod na rin sa pagtukoy ng 1987 Constitution ng Pilipinas ang orihinal na tawag sa ating bansa at Pilipino naman ang opisyal na tawag sa mga mamamayan.