Nagbabala si Iloilo Representative Janette Garin sa paggamit ng tinatawag na Fabunan vaccine bilang gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Garin, mas mabuti kung sasailalim muna ang nasabing bakuna sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) para matiyak ang bisa nito.
Aniya, dapat ay magkaroon din ng medical transparency sa mga isasagawang pagsusuri rito.
Dagdag pa ni Garin na dapat maging maingat ang mga otoridad sa mga bakuna o gamot na gagamitin panlaban sa COVID-19 upang maiwasan ang anumang problema.