Nakabatay sa siyensya ang paggamit ng face masks.
Ito’y ayon kay Dr. Paulyn Ubial, dating kalihim ng Department of Health, kung saan sinabi nito na kahit bakunado na ang isang indibidwal ay maaari pa rin mahawa at makapanghawa ng COVID-19.
Iginiit pa ni Ubial na wala pa man noon ang COVID ay ginagamit na ang face masks, ngunit hindi ito ginawang mandatoryo.
Sinabi pa ni Ubial na dapat pa ring magsuot ng face masks hanggang sa ideklara nang endemic ang COVID-19 sa Pilipinas.