Inirekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng surgical face mask sa mga lugar na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa halip na cloth mask lang.
Ito’y ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire sang-ayon sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 at new variants.
Bagamat ito ang rekomendasyon ng WHO ay patuloy namang pinag-aaralan ito ng mga local experts sa bansa.
Giit ni Vergeire na ang mga medical-grade masks ay makabibigay ng proteksyon dahil nakadisenyo ito na salain ang virus.
Sa huli, nilinaw naman ng health department na hindi nito sinasabing walang kakayanang magbigay proteksyon ang paggamit ng mga cloth masks.