Pinanatili ng mga eksperto ang kanilang rekomendasyon sa paggamit ng face shield bilang karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na banta ng COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) technical adviser, Dr. Edsel Salvana na ito’y dahil ang banta ng virus sa ngayon ay mas delikado dahil apat na beses itong malakas partikular na ang bagong variant ng COVID-19 na ‘Delta variant.’
Bukod pa rito, ani salvana, na 40% mas nakahahawa ang naturang variant kahit pa nasa labas o outdoor ang isang indibidwal.
Kung kaya’t mas makabubuting magsuot ng face shield para magsilbing karagdagang proteksyon sa virus.
Magugunitang kamakailan ay pumabor si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang isuot ang mga face shield.