Hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga local government unit at establisyimento sa ilalim ng alert level 4 na obligahin ang paggamit ng face shields sa mga saradong espasyo, matataong lugar at sa close contact settings o 3Cs.
Alinsunod ito sa inilabas na kautusan ng IATF sa face shield policy na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Duque, ipapaubaya ng gobyerno sa mga l.g.u. At private establishment sa ilalim ng alert level 4 ang pagdedesisyon kung ipagagamit o hindi ang face shield.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte noong Lunes na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar sa ilalim ng alert levels 3, 2 hanggang 1. —sa panulat ni Drew Nacino