Inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-require ang face shield sa partikular na alert level lamang.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kabilang sa kanilang rekomendasyon ay maaaring ang local chief executive ang mag-utos ng paggamit o pagtanggal ng faceshield sa isang partikular na alert level.
Gayunman, tumanggi si Año na magbigay ng karagdagang detalye dahil hindi pa ito aprubado ni Pangulong Duterte.
Inaasahan anyang magdedesisyon ang pangulo hinggil sa face shield policy ngayong araw. —sa panulat ni Drew Nacino