Tuluyan nang ipinatigil ang paggamit ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 3 o mas mababang quarantine level, kabilang ang Metro Manila.
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa bagong panuntunan ng paggamit ng face shield.
Nakasaad sa memorandum na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa ilalim ng alert levels 1, 2 at 3.
Gayunman, mananatiling mandatory ang face shields sa mga lugar na nasa alert level 5.
Nasa diskresyon naman ng mga local government unit at private establishment kung i-re-require o hindi ang paggamit ng face shields.
Kasalukuyang nasa alert level 2 ang National Capital Region hanggang Nobyembre a-30. —sa panulat ni Drew Nacino