Maaari lamang alisin ang face mask at faceshield kung maaabot ang target na bilang sa pagbabakuna.
Ito ang binigyang diin ni Dr. Ted Herbosa, nang matanong tungkol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions kung saan nasa ika-5 buwan na ang isinasagawang vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Herbosa, may posibilidad na maalis na ang paggamit ng facemask at faceshield kung matuturukan ang 40 hanggang 50 milyon indibidwal sa bansa.
Aniya,nasa 12 milyon pa lamang ang natuturukan ng unang dose ng bakuna habang nasa 3 milyon pa lamang ang nakakatanggap ng second dose.
Bukod dito, ikinalungkot naman ni Herbosa na hindi pinaprayoridad ang pagbabakuna sa mga senior citizens kung saan sila ang high risk na mahawaan ng virus.
Inatasan ng pamahalaan ang local government units na unahing bigyan ng second dose ang mga nasa priority list.
Samantala, bago pa man gawin ang naturang direktiba, maraming mga LGU sa national capital region ang pansamantalang sinuspindi ang vaccination program dahil sa kakulangan ng suplay.