Tuluyan nang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang mandatory use ng face shields sa gitna ng patuloy na pagbulusok ng COVID-19 cases sa lungsod.
Epektibo simula kahapon ang Executive Order 51-A, na nagrerekomenda na lamang sa boluntaryong paggamit ng face shields sa “crowded, close contact areas, confined at enclosed spaces.”
Tinanggal na rin ng city government ang mandatory use ng barriers sa mga motorsiklo at mga public utility vehicle.
Gayunman, inirerekomenda pa rin ang paglalagay ng mga barrier sa mga pampublikong transportasyon.
Sa datos ng Department of Health, umabot na sa 53,268 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Davao City, kabilang ang 21 new cases. —sa panulat ni Drew Nacino