Nagbabala ang isang grupo mula sa Russia hinggil sa posibleng masamang epekto sa mga kabataan na nahuhumaling sa paggamit o paglalaro ng Figet Spinners.
Ayon sa consumer rights group na Rospotrebnadzor batay sa obserbasyon ng ilang magulang at guro sa kanilang bansa, mas nagiging agresibo anilaang mga kabataan na gumagamit ng nasabing lauran.
Ito ang dahilan kaya’t hiniling nila sa mga eksperto na pag-aralan ang epekto ng paggamit ng Figer Spinners sa kalusugan.
Una nang lumabas sa ilang news reports sa Russia na tinatawag na virus, instrument for zombifying at isang uri ng hipnotismo ang paggamit ng Figet spinners kung saan, pitong trahedya na kinasasangkutan ng mga kabataan ang naitala dahil dito.
By: Jaymark Dagala
Paggamit ng Figet Spinners posibleng may masamang epekto sa mga kabataan was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882