Nananawagan kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) kaugnay sa paggamit ng wika sa pagtuturo sa paaralan.
Kasunod ito ng naganap na inagurasyon ni Marcos noong huwebes kung saan sinabi ng bagong pangulo na ingles ang dapat gamitin bilang medium ng pagtuturo.
Ayon kay ACT Chairperson Vladimer Quetua, pangunahing dahilan ang language barrier kung bakit laging nahuhuli ang mga pilipinong mag-aaral lalo na sa ilang pagsusulit.
Partikular sa pagsusulit na ito ang program for international student assessment at trends in international mathematics and science study.
Tulad aniya ng ibang bansa, mas epektibong gamitin ang native language dahil mas lalo itong maiintindihan ng mga mag-aaral.