Nagbabala ang European Medicines Agency (EMA) sa paggamit ng gamot sa malaria para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa EMA, posibleng magkaroon ng ibang side effects ang gamut na chloroquine o hydroxychloroquine kapag ginamit ito sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, hinikayat ng EMA ang mga medical professional na bantayang mabuti ang mga pasyenteng tumatanggap ng ganitong klaseng gamot dahil sa posibleng ibang epektong dulot nito sa kanilang kalusugan.
Partikular umano ang mga pasyenteng nakakatanggap ng matataas na dosage kung saan posibleng makaranas ang mga ito ng iregular na pagtibok ng puso at iba pang mapanganib na epekto kapag isinabay sa ibang iniinom na gamot.