Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring gamitin ang gasolina para i-dis infect ang face mask na gawa sa tela.
Ginawa ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire ang paglilinaw sa harap ng payo ng Pangulong Rodrigo Duterte na pwedeng i-spreyan ng Lysol o ilublob sa gasolina ang face mask para ma dis infect at muling magamit.
Ayon kay Vergeire, kilala naman ng lahat na mapagbiro ang pangulo.
Maaari anyang paulit-ulit na gamitin ang cloth mask bastat lalabhan agad ito matapos gamitin at patuyin sa araw.