Iginiit ng Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring gumamit ng gasolina para mag disinfect ng facemasks.
Matatandaan na sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque at ng Department of Health (DOH) na nagbibiro lang ang pangulo nang irekomenda nya ito.
Ayon sa pangulo, yung mga mahihirap ay puedeng magtungo sa mga gasolinahan at makitulo ng konting gas para lang ma-disinfect ang kanilang facemask.
Binigyang diin ng pangulo na hindi sya nagbibiro at binuweltahan ang mga bumatikos sa kanyang rekomendasyon.