Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang planong paggamit ng gobyerno sa mga pulis bilang contact tracers sa mga taong nakasalamuha nang nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kung saan gagawing modelo ng pamahalaan ang strategy ni tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung saan ginamit ang mga pulis bilang contact tracers.
Sinabi ni Roque na sa katunayan ay nasa proseso na nang pagsasanay ang mga pulis para sa contact tracing.
Wala rin naman aniyang problema kung kukuha ang local government officials ng kani kanilang contact tracers.