Isang lantarang pang-aabuso sa kapangyarihan ang paggamit ni PNP Chief Dionardo Carlos sa helicopter ng gobyerno pagkatapos ng umano’y “private time” nito sa Balesin Island.
Ito, ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.
Giit ni Brosas, malinaw sa ilalim ng Administrative Order No. 239 at PNP memo circulars na bawal ang paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno para sa personal na layunin at mga gawain.
Una nang iginiit ni DILG Secretary Eduardo Año na kabilang sa mga pribilehiyo ng hepe ng pulisya ang paggamit ng chopper sa pagdalo sa mga opisyal na tungkulin kung wala nang ibang magagamit na sasakyan.
Wala rin aniya itong pananagutan kaugnay sa pagbasak ng helicopter ng pulisya sa quezon nitong Lunes. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)