Inihayag ng Food And Drug Administration (FDA) na posibleng magkaroon ng maling resulta ang mga gagamit ng home antigen test kits.
Ayon sa FDA Director General Oscar Gutierrez, posibleng magpanic ang isang pasyente kung magkakaroon ng false positive at negative results.
Sinabi ni Gutierrez na hindi lahat ng antigen test kit ay kayang ma-detect ang Omicron COVID-19 variant.
Samantala sa naging pahayag naman ni Biotechnology Consultant Paolo Cagalingan, importanteng tingnan kung maayos pa ang dessicant o ang maliit na pakete sa loob na may lamang silica gel at alamin din kung lisensyado mula sa FDA ang mga manufacturer maging ang mga tindahang nagbebenta ng medical supplies.
Sa ngayon ay pinoproseso pa ng FDA ang pag-apruba ng aplikasyon ng dalawang manufacturer ng home test kits. —sa panulat ni Angelica Doctolero