Kinukunsidera ng Commission on Elections (COMELEC) ang paggamit ng hybrid voting sa 2016 Presidential elections.
Sa kabila ito nang paghahanda rin ng COMELEC sa bidding para sa Optical Mark Readers sa susunod na buwan.
Ang hybrid voting ay pagbilang ng mga boto sa pamamagitan ng manual counting subalit ang transmission at canvassing ay ipatutupad sa bisa ng electronic system.
Sinasabing nagkasundo ang mayorya ng COMELEC commissioners sa paggamit ng hybrid voting kaysa PCOS machines ng Smartmatic-TIM.
By Judith Larino | Aya Yupangco