Pinatitigil na ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng hydroxycloroquine para sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) dahil ang naturang gamot anila ay para lamang sa mga may sakit na malaria.
Pinabulaanan din ng DOH na mapanganib sa kalusugan ang pagkakasa ng aerial disinfection o aerial spraying.
Samantala, nilinaw din ng DOH na hindi maituturing na immunity passport ang COVID test.
Giit ng DOH, kahit nagnegatibo ang isang tao sa COVID-19 test ay hindi garantiya na hindi na siya tatamaan nito lalo’t kung hindi mag-iingat.