Kinuwestiyon ni Sen. Risa Hontiveros kung nagagamit ba ng tama ang intel fund ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito’y matapos ang palpak na listahang inilabas ng AFP ukol sa mga UP graduates na umano’y na recruit at miyembro ng New People’s Army.
Giit ng Senadora, malaki ang intelligence fund ng AFP ngunit tila hindi nila ito nagagamit ng maayos kaya mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay aminadong walang kapatawaran ang kapalpakan ng ahensya.
Giit ni Hontiveros, dapat na patunayan ng militar na nagagamit ng maayos ang kanilang intel fund at hindi ito nagagamit para purwisyuhin ang publiko dahil ang pondo ay mula sa taxpayers.