Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa pagbili at paggamit ng lip and cheek stain night berry ng Ever Bilena dahil sa pagtataglay nito ng microbial contaminants.
Ayon sa FDA lumalabas sa isinagawa nilang pagsusuri na lampas sa itinakdang limit ang lamang microbial contaminants ng nasabing cosmetics.
Hindi anito sumusunod ang naturang produkto sa mga panuntunan kayat may banta ito sa kalusugan ng publiko na maaaring magdulot ng skin irration, pangangati, anaplylactic shock at organ failure.
Tiniyak naman ng Ever Bilena ang pagsasagawa ng sariling testing para i-validate ang findings ng FDA at ilalabas nito ito sa susunod na pitong araw habang kumuha na rin sila ng third party laboratory para sa kaukulang testing ng produkto nilang lip and cheek stain night berry.