Nanawagan ng pagbabago sa electricity generation ang G7 patungo sa malinis na pagkukunan nito sa taong 2050.
Nangangahulugan ito ng pagbabawal sa paggamit ng fossil fuel o krudo sa alinmang sektor ng ekonomiya sa buong mundo sa pagtatapos ng dekada.
Maliwanag ang mensahe ng G7 sa mga investors na dapat ay gumamit na lamang ang mga bansa ng mga non-polluting energy.
Ang panawagan na wakasan na ang paggamit ng fossil fuel ay pinangunahan ni German Chancellor Angela Merkel sa pagnanais nitong maiwasan ang epekto ng climate change.
By Mariboy Ysibido