Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi maaaring maturukan ang isang tao ng dalawang magkaibang brand ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mahihirapan ang mga eksperto na malaman kung alin sa magkaibang bakuna ang posibleng magdulot ng masamang epekto sa taong naturukan nito.
Giit ni Duque, kailangang dalawang dose ng parehong brand ng bakuna ang dapat maiturok upang mapatunayan ang bisa nito.
Sa panig naman ni Dr. Lulu Bravo ng Philippine Medical Association Adhoc Committee on Vaccination, ang pagtuturok aniya ng magkaibang bakuna ay taliwas sa standard procedures na itinakda ng World Health Organization (WHO).
Tanging ang bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech ang binigyan ng emergency use authorization ng FOOD and Drugs Administration (FDA) ng Pilipinas.