Tiniyak ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na may mga safety measure o striktong regulasyon sa paggamit ng marijuana para sa medisina o bilang gamot.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng mambabatas, na layon nito na maiwasan ang pang-aabuso sa paggamit ng medical cannabis.
Dahil dito, hindi lahat anya ng doctor ay maaaring magreseta ng nabanggit na medisina kaya’t inoobliga ang mga eksperto na mag-training at pag-aralan itong mabuti.
Ipinanawagan ni Representative Babers na dapat hulihin o sunugin ang mga cannabis na masasabat hangga’t hindi pa isinasabatas ang pasasalegal ng medical marijuana.