Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na walang masamang side effect o dulot sa mga coronavirus diease 2019 (COVID-19) patient ang melatonin na isang sleep-regulating hormone.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ligtas aniya at available ang naturang gamot sa buong mundo.
Dagdag pa nito, sinimulan na ng ibang mga bansa ang paggamit sa melatonin bilang posibleng makagamot sa mga COVID patient.
Kasunod nito, ayon kay Dela Peña, magsasgawa ang ilang eksperto mula Manila Doctor’s Hospital ng clinical trial hinggil sa bisa ng naturang gamot.
Samantala, siniguro naman nito na naglaan na ang ahensya ng higit P9-milyong budget para sa isasagawang clinical trials ng melatonin.