“non fatal” o hindi nakamamatay ang LRAD o Long Range Acoustic Device.
Ito ang depensa ni NCRPO Chief Oscar Albayalde matapos kwestiyunin ng grupong BAYAN ang legalidad ng paggamit ng mga otoridad ng LRAD laban sa mga militanteng nagsagawa ng kilos protesta noong Lunes.
Ayon kay BAYAN Secretary General Renato Reyes posibleng maapektuhan ang kanilang pagdinig o magkaroon sila ng injury dahil sa paggamit ng naturang pamamaraan.
Paiimbestigahan naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas sa Kamara ang naturang insidente.
Naniniwala aniya siya na ang paggamit ng LRAD ay naglalayong saktan ang mga raliyista.
SMW: RPE