Nilinaw ng Department of Health (DOH) na pinapayagan pa rin ang paggamit ng mga misting tent para sa mga health workers sa mga ospital.
Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaari pa ring dumaan ang mga health worker sa misting tent suot ang kanilang personal protective equipment (PPE) bilang bahagi ng safety measures laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani Vergeire, hindi lamang advisable ang misting o pag-spray para gawing disinfection sa mga pampublikong lugar o sa mga tao sa komunidad.
Muling pinaalala ni Vergeire na ito lamang ay maaaring magdulot ng problema sa kanilang kalusugan o maging sanhi ng iritasyon sa balat.