Mahigpit na pinag-aaralan ng National Task Force Against COVID-19 ang pagpapagamit ng second dose sana ng bakuna bilang unang turok sa mga magpapabakuna.
Ito, ayon kay Dr. Ted Herbosa, special medical adviser sa task force, ay para mapabilis ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), habang hinihintay ang pagdating ng susunod na supply ng bakuna na siya namang inirekomenda ni testing czar Vince Dizon.
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na nakadepende naman sa brand ng bakuna kung ilang linggo pa ang palilipasin bago magpaturok ng ikalawang dose mula sa unang pagturok ng bakuna.
Mayroon na rin naman aniyang bahagyang proteksyon ang mga naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine kaya’t ang ikalawang dose sana ay gagamitin muna sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna.
Ang nangyayari, nakatabi ‘yung second dose, ina-assure natin ‘yung second dose. Ngayon, dahil ang supply ay maganda na, sinuggest ni Sec. Vince Dizon, sabi niya, gamitin na rin natin kasi parang hindi nagagamit ‘yan, sa rehistro naka-deliver ‘yan pero nasa store room ‘yan, naghihintay ng isang buwan bago gamitin. So, gamitin na lahat na first dose, anyway, assured na tayo do’n sa pagdating ng mga deliveries, so, mas bibilis pa pag ginamit natin ‘yon, kasi nga natatabi, e,” ani Herbosa. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais