Nagbabala sa publiko ang environmental group na Ecowaste Coalition, kaugnay sa pekeng lipstick na nabibili lamang sa halagang 10 hanggang 50 pesos.
Sa gitna ito ng pagdiriwang ng National Lipstick Day sa Pilipinas ngayong araw.
Ayon sa grupo, batay sa ginawa nilang pagsusuri sa halos 300 mumurahing lipstick, 95 sa mga ito ang may 42.6% na lead habang 25% ang mayroong arsenic at cadmium.
Batay sa pagsusuri ng Ateneo School of Medicine and Public Health, ginagamit lamang sa paggawa ng baterya ang tatlong kemikal.
Hindi ito maaaring idampi sa balat dahil magreresulta ito ng lead poisoning, problema sa dugo at pamamaga ng utak kapag naipon.