Nagbabala ang Food and Drug Administration o FDA sa publiko laban sa paggamit ng nasal spray products na sinasabing epektibo umano bilang pangontra sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni FDA Director-General Eric Domingo na awtorisado lamang itong gamitin bilang medical device para sa panandaliang paggamit sa nasal cavity at bilang mechanical barriers mula sa mga particulate gaya ng alikabok o usok.
Aniya, ang mga nasabing produkto ay walang aktibong pharmaceutical ingredients na direktang nakagagamot, nakaaalis o nakaiiwas sa mga sakit.
Hinimok naman ng FDA ang publiko na maging mas maingat sa paggamit ng mga produkto na umanoy panlaban sa COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico