Inaprubahan na ng US Food and Drug Admnistration (US-FDA), ang paggamit ng Novavax covid-19 shots para sa edad 18 pataas.
Ayon kay FDA Commissioner Robert Califf, binigyan ng emergency used authorization ang naturang bakuna matapos pumasa sa safety standards, effectiveness at manufacturing quality.
Base sa pag-aaral ng libu-libong tao sa US at Mexico, ang Novavax ay siyamnapung porsyentong epektibo na ginawa ng American company na ngayon ay patuloy na ginagamit ng maraming mga bansa laban sa symptomatic cases ng covid-19.