Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mangyayari ang paggamit ng nuclear energy sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi ito ang tamang panahon upang gumamit ng enerhiyang nukleyar dahil kailangan pang pag-aralan iyon.
Bukod dito, dapat munang masiguro ng pamahalaan na may mga safeguard kung sakali mang sumabog dahil sa anumang leak sa mga nuclear reactor.
Kaugnay nito, kumpyansa ang Pangulo na may sapat pa namang supply ng kuryente sa bansa.
By: Avee Devierte