Binago ng PAGASA ang kanilang paggamit ng Tropical Cyclone Warning System (TCWS).
Sinabi ng PAGASA, ibabatay ang paraan ng pagbibigay ng babala ng bagyo sa Hongkong, China, Japan at maging joint typhoon warning center ng Amerika.
Base sa bagong pamantayan ng PAGASA, itataas ang signal number 1 kung ang lakas ng hangin ay nasa 39 hanggang 61 kph habang ang signal number 2 ay nasa 62 hanggang 88 kph.
Itataas naman sa signal number 3 kung ang lakas ng hangin ay nasa 89 hanggang 117 kph at signal number 4 kung nasa 118 hanggang 184 kph.
Itataas naman ang super typhoon o signal number 5 kung may lakas ng hangin ng bagyo ay nasa 185 kph o mas mataas pa.