Tiwala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ikakasa rin ng iba pang local government unit ang Paleng-QR PH.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad sa Baguio City ng cashless payments sa mga transaksyon hindi lamang sa mga palengke kundi maging sa sidewalk vendors at tricycle drivers.
Sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na malaking tulong amg cashless payments na tinangkilik ng marami lalo na noong COVID-19 lockdown.